Monday, January 6, 2014

Ang Daming Nagugutom sa Mundo, MMFF pa din Pinoproblema nyo

After i had read different comments from the open letter Mr. Lourd De Veyra had posted, thus i think i had enough of just sitting and waiting for what would this story would come up.

Isa isahin natin Pare, una, hindi ka likas na Pilipino kung hindi mo kilala si Vic Sotto, kung hindi mo alam na "Bossing" ang tawag sa kanya ng ilan- gayong hanggang ngayon hindi ko pa rin magets kung bakit nga ba Bossing ang tawag sa kanya, self proclaim? di naman siguro, pero kung titingnan mo syang mabuti kapag tinatawag sya ng mga kasama nya ng "Bossing" , what else? ikaw na lang bahala humusga.

Si Lourd de Veyra, bayaw , idol ko to, napaka henyo, pinag iisipan ang bawat salitang binibitawan, walang mintis kung magpatama, napaka raming issue at topic ang kanyang binabahagi satin -salamat sa youtube. Magaling na Artist, konti man ang nakakakilala sa taong to, o siguro ako lang ang nag iisip na di pa xa ganong sikat kasi sino nga namang gustong manuod ng tungkol sa Pulitika? sa kasalukuyang nang yayari sa mundo, nakakatamad di ba? o sa sikat na personalidad sa industriya ng tinatawag nyang mga bobong artista, sa kilikili at tiyan ni Mr. Jun Sabayton.

Sa madaling salita, konti lang satin ang interesadong marinig o malaman ang nangyayari sa mundo bagkus mas gusto natin ang entertainment na binibigay ng mga artista, lalo na ang komedya, na kahit ibang iba na sa komedyang gustong gusto kong panuorin nun. Noon, ibahin mo lang pag sasalita mo o mag bakla baklaan ka lang pwede na , nakakatawa na, ngayon pag Bakla ka , kailangan mo ring mang lait ng appearance ng isang tao, that would be the so called Art-of Entertaining perfect inborn morons.

Bakit sa Pag iiba ng pelikula tayo napunta? Simple lang , on the other side may tama ang blog ni Lourd, oo, may tama si Lourd, sa sinabi nya, Makapang yarihan ka Bossing, maraming natatawa sayo kaya ok pa rin kahit anong klaseng pelikula ang gawin mo, pero please naman, nakikiusap ako (oha , madalas line ni Lourd yan) tigilan mo na ang pag gawa ng mga non sense na pelikula about fantasy, bakit? patok lang kasi yun sa mga batang audience, at kung bata ang gaganap, pero imagine a 50 plus years old man na gagawa ng fantasy like habulan ng mga panget na effects at flying whatever acheche, di ako film critic Bossing pero ang baduy nun, pwera na lang siguro kung si Adam Sandler ka, pero wala naman siguro xang palabas na unbelievable na talaga di ba? 

"Vic is Vic" ika ng ilang bobong walang alam sa mga pinopost nila, na umasa lang sa post ni Lourd na lahat tayo ay may karapatang mag komento, mga pare, oo alam namin, Vic is Vic, literal man o hindi, Vic would be Vic pero sana, ibang Genre ng Movie naman, yan ang gustong ipoint out ni Sir Lourd, actually ang mali lang sa nasabi ni Lourd e "karapatan ng lahat na mag komento", oo tama ,pero sana di na lang nya sinama sa blog nya un, kasi nag lalabasan lang ang mga taong di nag iisip, mga post lang ng post na hindi inaaanalyze ang sinasabi.

Kung tatanungin, di ko rin pinanuod ang nakaraang MMFF,aminado akong FAN din ako ni Vic at sya palagi ang inaabangan kong manalo, pero for some reason, wala akong kagana ganang manuod ng Pelikulang Pinoy pwera na lang kung indie ito, at least mas nakaka thrill pa rin panuorin ang sinasabi ni Lourd na pagtitig ng matagal sa kawalan. Pero kahit siguro di ko na panuorin ang My Little Bossing alam ko na mang yayari, magugustuhan ng die hard fans , pero ako hindi.

Kris Aquino at Ryzza Mae (ka apelido ko to si Ryzza) , kung tutuusin, perfect movie, isang mapagkakatiwalaang endorser at batang cute, plus ang karisma ni Bossing sa tao, at .. tang ina , kasama pa pala si Bimby? dun ako napaisip, sang aspeto kaya ng pagpepelikula nabibilang ang batang yun? pagpapatawa? cute? anak ng basketball player? or anak na future president na Pilipinas? oh well, skip that kid.

Sama sama na sila pero dissaponted pa din ang tao sa  pangit na plot na pinakita ng pelikula, hay Bossing, sana mag back to Romantic-Comedy ka nalang ulit, marami namang ngaun magagandang leading lady na nag hihintay sayo, malay mo, mapatapat pa sayo si Julia Montes, yaaamee- de biro lang.

Worst part is , me bumida pang cat mones na personalidad , blogger din ata, naniwala na lahat tayo may karapatan na mag post, tol, may dahilan ang Diyos kung bakit inilagay sa taas ang utak natin, para hindi ito basta basta tapakan. Blogger ka di ba, kaya alam mo na lahat tayo may karapatang mag post, pero sana, may sense ang ipopost mo, yung buong blog mo e umikot lang sa pag popoint out mo ng maling nagawa ni Lourd, ikaw ? perpekto ka?

So para isarado ang lahat, kahit alam kong wala namang makikinig sakin, kasi , sino ba ako kumpara kay Lourd, kay Bossing, pero dahil karapatan kong makialam, nakialam na ko, nakakasura na kasing makita sa lahat ng sites ang open letter na yan, sana pinrivate letter mo na lang Lourd, malay mo matuwa pa si Bossing nun, kasi mahilig yun sa surpresa.
Anong petsa na mga Pare, 2014 na , Ang daming Nagugutom sa mundo , MMFF pa rin pinoproblema nyo, move on move on din pag may time.
Kung di mapigilang idiscuss ang Topic na yan, siguro subukan na lang nating SUMAYAW,.. sa tune ng EAT BULAGA..



_axlshagbiies